Private School vs. Public School
Private schools, or independent schools, are schools not administered by local, state, or national government, which retain the right to select their student body and are funded in whole or in part by charging their students tuition rather than with public (state) funds.
Dahil dito kaya kumpleto at maayos ang lahat ng pasilidad ng mga pribadong paaralan, iilan lamang ang mga mag-aaral s isang silid-aralan, kumpleto ang mga guro. At lahat ay nagnanais na makapag-aral sa pribadong paaralan.
Noong ako ay nasa sekondarya ng aking pag-aaral ay nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral sa isang pribadong paaralan.
Maganda! Isang catholic school na pinamamahalaan ng mga madre. Ang mabibigyan ko ng puntos ay sa aspeto na
- Maayos ang schedule ng klase ng mga mag-aaral.
- Ang pamamahala nila ukol sa pagliban at pagiging huli sa klase ng mga mag-aaral.
- Ang paglinang sa iba’t ibang kakayahan/talento ng mga mag-aaral.
- Magagaling na guro
- Maayos na pag-grupo sa klase sa mga mag-aaral
Ang public school naman ay pinamamahalaan ng ating pamahalaan. Sa katotohanan, kulang ang pondo inilalaan ng gobyerno kaya kulang sa mga guro, silid-aralan, aklat at napakarami pang kulang!
Kaya napakahirap ng tanong sa nakaraan kong blog entry. Saan mo nga ba nanaisin mag-aral. Kung may pera lang, siyempre sa pribadong paaralan na. Pero naranasan ko rin ang makapg-aral sa isang pampublikong unibersidad nong ako ay nasa kolehiyo na. Kahit maraming kakulangan sa pasilidad, masasabi ko na naibigay ng mga guro ang lahat ng mga dapat kong matutunan at ang karanasan na makapag-aral sa isang pampublikong paaralan/unibersidad ay hindi ko ipagpapalit o hindi ito mapapantayan ng aking karanasan sa pag-aaral ko sa pribadong paaralan.
Bakit?
Sa pag-aaral ko s pribadong paralan puro magagandang bagay umiikot mundo ko. Maganda ang pasilidad ng eskwelahan at halos mayayaman ang aking mga kamag-aral.
Nong nsa pampublikong paaralan na ako.. nakita ko ang tunay na mukha ng mundo..
Pero di mahalaga kung saan ka man nag-aral, depende na sa tao yon. Ang mahalaga ay naibigay sa iyo ang karapatan mo na makapag-aral.
“… marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.” - - Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?!)
EDUKASYON
Isa sa mga karapatan ng mga tao/bata… ang makapag-aral. San ba talaga mas ok n mag-aral? sa pampubliko paaralan o s pribado? kung bbgyan ka ng pagkakataon makapamili, san mo gusto at bakit?
Bago ko ibgay ang aking sariling opinyon, kayo muna ang tatanungin ko…
Sagutin ang survey s ibaba at magbigay ng comment kung bakit yon ang pinili mo ksagutan.
Salamat!
http://www.acepolls.com/polls/837516-saan-mo-gustong-mag-aral
SHOWBIZ!!!
Ayoko mag-artista!
Hahaha! Feeling artista huh!
Mahirap naman talaga sa showbiz world… madami intriga, walang privacy, hindi normal ang buhay.
Kahit sa mga simpleng tao na katulad ko na nakatira sa isang maliit na bayan (Amadeo, Cavite)… na nagtatrabaho sa gobyerno (DepEd-Tagaytay City Science National HIgh School) bilang isang simpleng guro, para na rin ako nasa showbiz! May mga intriga din huh! Matindi! At kahit saan siguro nangyayari yon, Palage may Boy Abunda at Cristy Fermin.
Ang advantage ng nasa showbizness kapag may mga intriga eh madali silang makapagpatawag ng Press Conference to clear their side via national television…
MEMORY GAP
Wala ako amnesia ha!
Katulad lang sa commercial sa TV, Pagiging HULI, makakalimutin…
Pero hindi pa naman ako matanda as in senior citizen. Ewan ko ba kung bakit.
yan talaga ako…
maaga ako nakapag-asawa at nagkaanak… Ceasarian Delivery pa kaya yonn ang nagiging dahilan ko sa pagiging makakalimutin sa maraming bagay. Palage ko sinasabi, “pasensiya na, Ceasarian kase!” Sabi nila epekto daw yon ng anaesthesia, ewan ko lng kung totoo at kung my study ba about it.wala naman ako nababasa. Baka dahilan na lang talaga, para may maidahilan. Kelangan ko lang talaga cguro ng memory enhancer!
Ano ba madalas ko makalimutan?
- Birthdays ng mga friends and relatives. Nakakahiya kapag hindi mo sila n-greet on their very special day. Buti ngayon my notifications ako nare-receive from friendster and other sites kapaga malapit na ang birthday nila. Kaso, hindi naman lahat eh connected sa friendster o nag-internet… Kaya inilalagay ko na lang sa calendar ang mga special events para d ko makalimutan.
- Kung saan ko nailagay ang isang bagay. like remote control ng TV at ung cellphone ko. nakakahiya! pero totoo… hawak ko lng kanina tapos d ko na matandaan kung saan ko nailagay.hahaha!
- Pangalan ng mga students ko. Eversince naging teacher ako yan problem ko, natatandaan ko mga face nila pero ang names…naku! sa dami ba naman nila. kaya may sistema ako sa klase para fair palage ang pagbibigay ko ng grade sa kanila, hindi base sa kung natatandaan ko name nila or face. i always use rubrics, na mas napapadali naman ang work ko as a teacher.
motherhood
madaling maging ina… pero napakahirap magpaka-ina!
Naalala ko tuloy ang pelikulang “Tanging Ina Nyong Lahat” ni Aiai dela Alas… ang daming kasabihan. at eto ako ngayon, nagsisimula sa isang kasabihan.
It is all about women empowerment talaga…
I remember nong college ako, as a social science major, ang daming ipinaglalaban karapatan! karapatan ng mga ethnic groups, karapatang politikal, karapatan ng kababaihan, etc.
Pero ngayon na isa na akong ina, feeling ko nababalewala ang mga karapatan ko bilang isang tao at babae bilang pagsasakripisyo mo bilang isang ina para sa mga anak mo. Ewan ko kung sasang-ayon ang lahat pero opinyon ko lang nman un. Pwede namang hindi yon mangyari pero kadalasan eh ganon na nga nangyayari.
Ang isang ina ay masasabi kong superhero! Ginagawa nya ang lahat para sa mga anak.. para mapalaki nyang isang mabuting tao ang kanyang mga anak. Ibibigay nya ang lahat para sa kanyang mga anak. Pero kadalasan gaya ng sabi sa isang kanta…”and yet my best is not good enough…”Nakakaiyak! Kapag nakikita at nararamdaman mo balewala ang mga ginagawa mo bilang ina… kapag hindi n-appreciate ang mga sakripisyo mo.
Sabagay.. kelan ko nga lang ba nabigyang halaga ang mga ginawa sa kin ng aking ina. Ngayong nanay na rin ako!
Talagang MOTHER’S KNOWS BEST!
I am on Maternity Leave!
Because i had D&C last December 31, 2008, I am on maternity leave from January 5, 2009 - March 5, 2009. My maternity leave just start on January 5 because January 1 - 4 is still our Christmas break…
Masaya! bakasyon… i am with my kids most of the time, pero… Nkk-bored! As in nasa house lng dpat, mega rest… bka mabinat.
I am enjoying these benefits in accordance with the law…
Philippine Republic Act No. 7322 - “An Act Increasing Maternity Benefits in Favor of Women Workers in the Private Sector, Amending for the Purpose Section 14-A of Republic Act No. 1161, as Amended, and for Other Purposes” - This Act increased maternity benefits of women workers in the private sector from the 45-day to 60-day benefit equivalent.
Every pregnant woman, whether married or unmarried is entitled to maternity leave of sixty (60) days in case of normal delivery, abortion or miscarriage, or seventy-eight (78) days in case of caesarian section delivery with benefits equivalent to one hundred percent (100%) of the average daily salary credit of the employee as defined under the Social Security Law.
HOUSEPLAN
Year 2000, we already acquire a small house and lot thru Pag-ibig in Blk.66 Lot 12 Holiday Homes Subdivision, Biclatan, General Trias, Cavite. Because of what happen in our marriage life, we just continue paying the house… And now that we are together again as a family, we are planning to renovate our very small house.
Hope it will look like this…
Sana matupad…
Sana maipaayos nga namin this year.
PREGNANCY
According to http://www.americanpregnancy.org
Gestational age, or the age of the baby, is calculated from the first day of the mother’s last menstrual period. Since the exact date of conception is almost never known, the first day of the last menstrual period is used to measure how old the baby is.
why is it calculated that way?
Kahit ako nagtataka… hindi pa man kayo ngd-date ng time na un… counted na sa pagbubuntis.
kainis din! Kase ung ibang tao na hindi alam ito, mega nagtataka sila, nagdududa, at nagtatanong… ang bilis nmang nagbuntis non! eh last month lang sila nag-date then 2 months na agad ung pagbubuntis nya.
GETS MO???
BINAT
Kakatapos ko lng maraspa, at sabi nila eh daig pa nito ang nanganak kaya dapat super mg-rest ako…
According to the Tagalog Dictionary..
ano ba ang binat?
binat
b´inat n. relapse · mabinat (ma-) v. to have a relapse. Nabinat siya sa katratrabaho. He had a relapse because of overwork. bin´atin (-in) v. to cause to have a relapse. Huwag mo siyang binatin. Don’t strain him (or he might have a relapse).
Matigas ulo ko eh
Jan. 1, 2009 - lumabas ako ng hospital for D & C.
Jan. 3, 2009 - sumama ako nood ng sine with my kids.
Jan. 5, 2009 - ako nag-asikaso ng philhealth ko at kumuha ng medical certificate sa hospital for my maternity leave.
January 7, 2009 - chk up ko with my OB then dretso s bday party.
Ang hirap kc ng nsa bhay lng.. nakakainip! Nakakabagot!

